Sa Bawat Oras
“Sam, gumising ka na, baka ma- late ka sa unang araw ng klase mo!” pambungad sa akin ni Inay. Ngayon nga ang unang araw ko sa kolehiyo, hindi ko alam kung ma- e-excite ako o matatakot. Hay, sino kaya makikita ko doon? Sino kaya ang magiging ka- blockmates ko? Bahala na!
Alas- singko ako gumising, naligo, kumain ng agahan, humingi ng pera sa nanay ko, humalik at umalis ako ng bahay mga alas- siyete na. Sa University of Santo Tomas ako nag- aaral, ang kinukuha kong kurso ay Advertising. Mga isang oras at kalahati rin ang biyahe simula dito hanggang sa eskwelahan ko. Alas- nuebe nga ang unang klase ko, pwedeng may trenta menutos pa ako. Grabeh! On the way na ako papuntang eskwelahan, ang traffic! Alas- otso bente na nasa Sta. Mesa parin ako.
Eksaktong alas- nuebe ako dumating. Lima nalang ang wala at isa na ako dun. Pagpasok na pagpasok ko, biglang nagsalita yung tao sa harap, propesor ko nap ala yun.
“Good Morning class, I’m Mr. Ryan Enriquez; I will be your English professor. So, would you please introduce yourselves”, ang panimula niya sa buong klase.
Hay, eto na naman, magpapakilala isa- isa, nahihiya ako, wala akong kakilala, paano ako tatayo at magsasalita? Anong umpisa ang gagawin ko? Naku! Ako na.
“I’m Samiela Mendoza, from Colegio del Buen Consejo School, 16 years old”, ang tanging nasabi ko. Tama na yun at umupo na ako hanggang sa matapos na ang lahat magpakilala. Nagsalita ulit si Mr. Enriquez. Nagkwento at biglang nag ring ang bell. Hay salamat tapos narin. Pagkatapos ng tatlong klase ko sa umaga, vacant ko na, nakakainis nga dahil dalawang oras. Sino naman ang kasama ko? At saan naman ako pupunta?
Habang naglalakad ako biglang may lumapit sa akin. Isang matangkad na lalaki, may hitsura, maputi, mapungay ang mga mata at...
“Hi Im Nigel! And you are?”, ang sambit niya sa akin.
Napatigil ako sandali, tinignang maigi, nginitian at sinagot siya, “I’m Samiela, but you can call me Sam”.
Yumuko ako at kunwaring may tinitignan sa aking wallet, napatingin nalang ulit ako sa kanya nang biglang siya’y magtanong,
“Can I walk with you?”
At “sure”, lang ang nasabi ko.
Mukang mahirap kasama ito dahil ingles ng ingles pero...
“So, okay ka lang ba?”, ang biglaan niyang tanong.
“Ha.. B..bakit mo naman natanong? Oo..oo naman, okay lang ako”, pauta-utal kong naisagot.
Bakit kaya biglang nagtanong ito sa akin ng ganon? Magulo ba ako? O baka akala niya naiinis ako sa kanya, eh hindi naman, dahil... Bakit nga ba hindi ako naiinis sa kanya? Bigla man lang siyang nagpakilala at sumama sa akin. Ah ewan!
“Hay buti nalang hindi ka masungit”, ang mga salitang binitiwan niya. “Kasi akala ko masungit ka at nagdadalawang isip rin ako kaninang lapitan ka dahil baka hindi mo ako pansinin. Pero ng lumapit ako at nginitian mo, nawala lahat ng pagdadalawang isip ko. Pasensya ka na sa akin, nasasabik lang kasi akong makilala ka at maging kaibigan”, ang tuloy tuloy niyang salaysay sa akin.
“Naku wala iyon, salamat nga at ngayon may kakilala na ako at may kasama, ah... Ano nga pala ulit ang pangalan mo? N...?”, ang mga nakakahiya kong nasabi.
“Nigel. Kung gusto mo talaga akong makilala, okay! I’m Nigel Enriquez, 18 years old na, galing ako sa La Salle, Ano pa ba?... Lima kaming magkakapatid, sa Quezon City ako nakatira, Ahm.. yun lang ang masasabi ko eh! Wala na akong maisip.”, ang pagpapakilala niya sa akin.
Grabeh naman ito detalyadong detalyado talaga, at ka apelyido niya pa yung propesor naming sa English, pero ano kayang isasagot ko dito?...
“Okay na siguro yun, siguro naman pwede na yung dalawang oras nating vacant para magkwentuhan pa”, ang aking naibalik na sagot sa kanya.
At bigla niyang naalala, “Oo nga pala hindi pa tayo kumakain, Saan moba gustong kumain?”
“Kahit saan, ikaw kung saan ka komportable”, mahinahong sagot ko.
At bigla niyang nasabi, “Ah sige akong bahala sa iyo, treat ko!”.
Nahihiya ako, na hindi ko alam ang gagawin kasi hawak niya ang braso ko hindi na ako makapalag at makatanggi.
Pagadating naming ng parking lot, lumapit siya malapit sa motorsiklo, Naku! Parang ayaw ko nang sumama sa kanya kung diyan niya ako isasakay. Pero nagulat ako dahil binuksan niya yung katabing sasakyan. Sobrang gara, BMW ang tatak, kulay pula, pero nahihiya parin ako. Hindi ko alam kung bakit. Paglapit ko, binuksan niya pa ang pintuan ng kotse para sa akin, nabaitan tuloy ako, gumagaan lalo ang loob ko.
Nang nasa sasakyan na kami, tahimik lang ako habang kumakanta siya. Nagulat ako nang bigla siyang nagtanong ng
“May boyfriend ka na ba?
At madali kong nasabi, “Wala no!”
At dinagdag niya, “Wala lang, sorry kung medyo nakakagulat yung pagtatanong ko, gusto ko lang malaman. Para kung mayroon man, kakausapin ko siya baka kasi magalit siya sa pagsama ko sa iyo”.
Napangiti ako, kasi kahit papaano, alam ko na ang kasama ko ay hindi bastos.
Nang dumating kami sa lugar na pagkakainan naming, hindi niya ako pinayagang bumaba ng sasakyan basta basta lang, ang ginawa niya bumaba siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakakatuwa talaga ang pagiging “gentleman” ng lalaking ito. Kinuha niya ang bag ko, siya ang nagbitbit. Nung una sinabi niyang iiwan ko nalang, pero sabi ko huwag na kasi nandoon yung mga “personal needs” ko na kung saka sakaling kailangan atleast dala ko.
Pagpasok naming ng restaurant, sinalubong kami ng isang waiter at sinabi, “Yes, sir and mam”. At sinabi niya “Table for two please”. Tinuro ng waiter ang table malapit sa may bintana. Sa totoo lang hindi ko inaasahang sa ganitong restaurant niya ako dadalhin. Ang ganda ng lugar, mahangin at kahit tanghali sobrang romatic ng lugar.
Nang ibigay sa amin ang menu. Nabigla ako kasi ang mga pagkain sa menu na para sa isang tao lang ay humigit kumulang umaabot sa dalawang daan at limangpung piso. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
Maya maya tinanong niya ako kung anong napili ko. Natahimik ako at ang nasabi ko nalang,
“Ano ba ang masarap? Ahmm.. Ikaw nalang kaya ang pumili para sa akin.”
“O sige ako na, dalawang meal number two please, tsaka dalawang four seasons for our drinks, and two slice of mango cake with ice cream dip, yun lang”, ang mga sinabi niya sa waiter.
Napatingin nalang ako sa labas ng bintana, dahil hindi ko ma-isip na sobrang galante niya pala, ang dami niyang inorder. Siguro kung ako sa kanya kakain lang ako dito pag sobrang espesyal ng araw na ito.
Habang inaantay naming yung mga inorder na pagkain, sinimulan niya ang paguusap naming ng isang tanong,...
“Saan ka nakatira?”
“Ako? Sa Pasig sa may Parkwood”, ang sagot ko.
Napatingin siya sa kaliwa, mukang nag-iisip at sinabing, “Ang layo niyo naman sa amin, Quezon City to Pasig, halos isang oras din ang biyahe nun diba! At napatango lang ako.
Biglang dumating yung mga pagkain, at sinimulan na naming ang pagkain. Nagsimula kami sa kanin at ulam, pagkatapos sa cake, habang nagkukwentuhan tuloy tuloy lang ang pagkain naming. Pagka- inom ko ng juice, naalala ko ang oras, pagtingin ko alas- dos y medya na, trenta menutos nalang ang natitira.
Nahihiya akong sabihing umalis na kami dahil baka ma-late kami. Buteh nalang tumingin siya sa relos niya at sinabing, “Halika na baka ma-late tayo”. Bago siya tumayo nag-iwan siya ng Php750 sa table. Grabeh isang kainan lang naka Php750 kami.
Nang makarating kami sa classroom, sa tabi ko siya umupo. Tahimik lang siya at nagsusulat. Nagtataka nga ako kasi kaunti lang naman ang sinulat ng propesor naming sa black board, bakit parang ang dami dami niyang sinusulat.
Pagkatapos nang last subject naming, sabay kaming bumaba ng hagdanan,
At kanyang sinabi, “Hatid na kita”.
“Susunduin ako ng kuya ko eh, sorry ha”, ang sagot ko.
“Hindi okay lang, next time nalang”, ang tanging nasabi niya.
“Beep...beep..beep...” “Sino kaya yung bumubusina? Kuya ko ata yun. Ay! Kuya ko nga”, ang nasabi ko nang Makita ko si Kuya.
Bumaba pa si Kuya ng kotse kasi nakita niya may kasama akong lalake.
Pagdating ni kuya, “Kuya, this is Nigel, ka- blockmate ko”, ang agad kong nasabi. Nagtanguan lang sila at inabot ni Nigel ang kamay niya upang makipagkamay kay Kuya.
Papaalis na kami at, “Sige, una na ako, ingat ka sa pag-uwi mo”, ang iniwan kong mga salita.
At ang nasabi niya sa akin bago ako umalis, “Thanks ha! Ingat rin kayo”.
Nakatulog ako sa sasakyan kaya hindi ko nakausap si Kuya. Akala ko ligtas na ako, pero pagdating namin sa bahay, napatigil ako ng bigla niya akong tinanong, “Sino yung kasama mo kanina? May crush ba sa iyo yun? Kanina pa ba kayo magkasama? Saan kayo pumunta? Bakit siya nagpasalamat sa iyo bago ka umalis? Bakit? Ano ba ang ginawa niyo?
Grabe naman si Kuyang magtanong. Hay, si kuya talaga ang bait sa akin. Nagsisimula palang akong magdalaga noon, ganyan na talaga siya, lagi akong iniisip.
“Kuya, mabait siya, mapapagkatiwalaan at hindi nambabastos ng babae. Sabay lang kaming kumain, nagkakwentuhan at yun, magkasama kami sa room, yun lang! Kuya talaga oh!, ang tanging na-i-kuwento ko kay Kuya.
Kinabukasan, umaga, bago ako bumaba nakaligo na ako at nakabihis dahil papasok na ako sa school. Kumain na ako ng almusal at paalis na, pagtingin ko sa labas nakita ko si kuya nakabihis at bigla akong niyaya, “Tara na, hatid na kita baka ma-late ka na”. Nagulat ako kay kuya ang aga niyang gumising para lang ihatid ako.
Simula noon bago pumasok si kuya sa school, palagi niya na akong hinahatid at hindi niya rin ako nakakalimutang sunduin. Pero pagdating ng second semester nag iba ang schedule ni kuya, mas maaga na siyang umaalis, kaya hindi niya na ako nahahatid at nasusundo.
Isang araw, na-late ako for the first time sa unang subject ko, nakakahiya. Pagdating ng vacant, si Nigel, ang lagi kong kasama simula pa noong una at hindi ako pinababayaan ay lumapit sa akin.
Pag lapit niya sa akin tinanong niya ako agad, “Bakit ka na-late?”
At sambit ko nama’y, “Si kuya kasi hindi na ako maihahatid at mamaya nga wala na kong sundo eh”.
“Huwag kang mag-alala akong bahala, simula ngayon ako na ang maghahatid sa iyo at pag alam ko na ang bahay niyo, puwede na kitang sunduin”, nakangiti niyang sinabi.
Habang sinasabi niya ang mga iyon, hindi ko lubusang masukat ang aking mga ngiti. Grabe talaga ito si Nigel, araw araw nalang ganyan, nakakalambot ang bawat salitang binibitiwan. Minsan nga naisip kong iwasan na siya dahil baka sa banding huli, hindi ko mamalayang nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya at mabigo lang ako. Pero kahit papaano iniisip ko rin na, Ano naman? Hindi ko naman hawak at kontrolado ang lahat ng pwedeng mangyari.
Buong vacant nasa bilyaran kami, hinamon niya ako, kung sino manalo siya ang gagawa ng assignment namin sa English na gumawa ng isang tula. Alam ko hindi ako magaling sa bilyar pero, pumayag narin ako sa hamon niya.
Nine balls ang laro naming, siya ang nagbreak, tinira niya at na- shoot ang mga bolang uno hanggang siyete, pagdating sa otso scratch ang inabot niya. Nagpasalamat ako at may natirang bola pagtayo ko sa aking kinauupuan, may lumapit sa aking isang lalaki, hinawakan ang balikat ko at sinabing,
“Miss, pwede ba kitang makilala?”
Natakot ako kasi halos 6 feet tall siya at 5”5 lang ako. Lumayo ako’t lumapit si Nigel sa lalaki at sinabing,
“Pare, slow down. She might felt harassed with your approach”.
“Ano bang problema mo? Sino ka ba? Yung kasama mo yung kausap ko”, maangas na sagot ng lalaki.
Tumalikod si Nigel, at sinabi ko sa kanyang umalis nalang kami.
Hinawakan niya ang kamay ko dumaan kami sa counter, nag- iwan siya ng Php300 at maayos kaming lumabas ng bilyaran.
Habang naglalakad kami hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at binulong ko sa kanya, “Salamat ha”. Tumingin lang siya sa akin at nginitian ako.
Pumunta kami ng F.I.C., ice cream parlor, at inorder niya ako ng paborito kong ice cream, binigay niya iyon sa akin at...
“Magpalamig ka muna, huwag kang mag-alala nandito lang ako. Yung sa assignment, ako narin ang bahala doon, tutal ako naman ang nakapag- isip na makipag pustahan sa iyo”, maayos niyang sabi sa akin.
Pagdating ng bandang alas- kwatro, bumalik na kami sa school. Nakarating kami doon mga alas- kwatro y medya, at inatenan ang dalawa pa naming subject. Natapos ang pang- huli naming subject mga alas- otso na. Katulad ng sinabi niya hinatid niya ako pauwi.
Kinaumagahan, narinig kong nag ri-ring ang aking cellphone, pagtingin ko tumatawag na siya at madali kong sinagot... “Hello...”
“Nandito na ako sa labas ng bahay niyo, tapos ka na ba?”, ani niya.
At sinagot ko siya, “Naku! Sige palabas na ako, sandali lang at bababa na ako. O sige, bye”.
Pagkatapos ko siyang kausapin, madali akong bumaba at lumabas ng bahay. Nakita ko siya nakatayo habang inaantay ako sa labas. Pagkalabas ko, niyaya ko muna siyang pumasok sa bahay namin para ipakilala siya sa mommy’t daddy ko, pagkatapos lumabas narin kami.
Pina-una niya akong lumabas ng gate pero madali niyang binuksan ang pintuan ng kotse, pumasok na ako at umupo. Bago kami umalis, may inabot siya sa aking isang boquet ng bulaklak. Nagulat ako sa sobrang ganda ng mga bulakalak. Siyempre nagpasalamat ako sa kanya, pero naisip ko rin, bakit niya ako binigyan? Eh, wala namang okasyon, kaya tinanong ko siya kung bakit, ang sinabi niya lang sa akin, isang pasasalamat lang iyon. Grabe, ang bongga talaga niya.
Pagdating namin sa school, isang oras pa bago ang first subject namin, kaya niyaya niya ako sa canteen para mag- almusal. Tamang–tama hindi pa ako kumakain, Ano kayang makain?, sige tapsilog nalang para hanggang mamaya na, tutal alas- dose naman ang uwian namin.
Nang makarating kami ng canteen, sinabi ko sa kanya kung ano ang gusto kong kainin at nagpaalam na uupo na ako, nakangiti lang siyang tumango.
Pagkatapos naming kumain, tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko at nagbabasa ng libro. Hindi ako sanay ng ganito siya, kaya kinuha ko ang libro niya at tinanong siya kung bakit ang tahimik niya. Humarap lang siya sa aki’t sinabing may iniisip lang siya sabay nilagay niya ang ulo niya sa aking balikat.
Natahimik kami pareho at biglang nag-alarm ang cellphone ko. Alas- nuwebe na, time na para sa first subject namin. Tumayo ako at hinila ko siya para pumasok na.
Sa classroom, nakaupo lang siya buong subject at pumipindot pindot sa cellphone niya. Hindi ko nalang siya pinansin.
Dalawa lang ang subject namin ngayon. At pagkatapos ng ikalawang subject, tumayo siya at lumapit sa akin. Niyaya niya ako na umuwi na.
Pagkahatid niya sa akin sa bahay, may binigay nanaman siya. Grabe mukang kakaiba si Nigel ngayon, kinakabahan ako. Isang box ang inabot niya at bago siya umalis, iniwanan niya ako ng isang halik sa pisngi.
Pumasok ako ng bahay at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Hindi na muna ako nagbihis, nilagay ko muna ang mga bulaklak sa vase at agad kong binuksan ang box.
Pagbukas ko, ang una kong nakita ay isang picture naming magkasama, pagkatapos isang rosaryo, sa bandang kanan naman ay may isang maliit na box, binuksan ko ito at isang kwintas na may pendant na krus ang aking nakita. Nagandahan ako ng husto, kaya tinitigan kong mabuti. Pagtingin ko maya-maya napansin ko, sa ilalim ng white na diamond ay may naka-ukit na pangalan niya. Pag silip ko sa kahon, may natitira pa pala sa loob. Isang bolpen; bolpen na gamit niya araw- araw, isang papel at isang sobreng may lamang sulat.
Kinuha ko muna yung papel, pagkabuklat ko, isang English poem ang nakasulat, hindi pala niya nakalimutan yung assignment namin.
Pagkatapos kong basahin yung tula, kinuha ko naman yung sobre na may sulat, sumandal ako sa upuan at binasa ito. Ang haba ng sulat, nakalagay ang bawat masasayang nangyari sa amin. Sa bandang hulihan ng sulat, dahan dahan niyang pinahahatid dito na mahal na mahal niya ako.
Nang matapos kong basahin ang buong sulat, tinawagan ko siya sa cellphone niya pero walang sumasagot. Paulit ulit akong tumatawag, pero wala parin kaya naisipan kong mamayang gabi nalang.
Nakatulog ako habang suot ko ang kwintas na bigay ni Nigel at hawak ang rosaryo.
Mga apat na oras na siguro akong natutulog at mayamaya parang may naririnig akong isang tunog, nagriring pala ang cellphone ko. Sinagot ko ito kahit naka pikit pa ako, at...
“H..hello..”, nakakaantok kong sagot.
“Sam?! Ate ito ni Nigel, kasi nandito siya sa ospital, puwede ka bang pumunta?”, ang mahinahong sabi sa akin ng babaeng nagsasalita sa phone.
Nagulat ako ng marinig iyon, tinanong ko agad kung saang ospital at nag atubili akong pumunta. Wala akong kadala- dala, perang pamasahe lang, ang rosaryong bigay ni Nigel at suot ko naman yung binigay niyang kwintas.
Pagkadating ko sa ospital may sumalubong sa aking isang babae, namumugto ang mga mata pero nakangiti sa akin at...
“Ikaw ba si Sam?”, salubong na tanong sa akin.
“Ako nga po, kayo po ba yung ate ni Nigel? Nasaan po siya?”, agad kong tanong.
Tumungo kami sa isang kwarto sa may Emergency Area, nag-iiyakan ang ang mga tao at pagtingin ko, isang lalaking walang malay, maputi, matangkad at pula ang suot ang nakaratay sa higaan. Si Nigel iyon, alam ko, pero ayokong maniwala. Habang lumalapit ako sa higaan, dahan dahang tumutulo ang luha sa mga mata ako. Paglapit ko hinawakan ko ang malamig niyang kamay at niyakap siya, hindi ko rin mapigilang umiyak ng umiyak.
Maya- maya rin, tumayo ako at pinunasan ang luha ko, lumabas ako ng kwarto na tahimik at umupo sa labas.
Nilapitan ako ng ate ni Nigel at nagkwento...
“Ako nga pala si Ate Niah, kapatid ni Nigel. Siguro lagi mo akong nakikita kapag pumupunta ka sa amin, pero ni minsan hindi pa tayo nagkakausap. Malapit sa akin si Nigel, lagi siyang nagkukwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya, at isa ka sa mg kinukwento niya. Heart attack nga pala ang kinamatay niya sabi ng doctor. Bata palang iyan mahina na talaga ang puso niya at sa paglaki niya dala niya ang sakit niyang iyan, pero, ngayon ang pinakagrabeng nangyari”. Napatigil siya hinawakan ang kamay ko at naluluhang sinabi, “Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Walang araw na nakalimutan ka niyang ikwento sa akin”.
Hindi ko rin napigilan at niyakap ko si Ate Niah ng mahigpit habang humahagulgol akong umiiyak. At nakuha kong sabihing, “Sayang at sana buhay pa siya, para marinig niya kung gaano ko siyang minamahal. Bakit ang selfish niya, siya lang ang umalis, hindi niya nalang ako sinama”.
Talagang malungkot ang buong lugar. Maya maya hinatid ako ni Ate Niah sa aming bahay, pagdating ko sa bahay, kinuha ko ang picture namin ni Nigel. Buhay na buhay siyang nakangiti habang kayakap ako. Walang humpay ang iyak ko.
Kinuha ko ang cellphone ko, pagtingin ko 5 missed calls... “NIGEL”. Tinignan ko agad ang oras pagtingin ko yun pala yung mga oras na tulog ako at bago tumawag si Ate Niah upang ipaalam sa akin ang tungkol kay Nigel, kaya napaiyak ulit ako.
Habang umiiyak ako, pumasok si kuya sa kwarto at nilapitan ako. Niyakap ako ni kuya, tinatanong niya kung bakit.
“K... uya, wala na si... N... nigel, iniwan niya na tayo”, pautal- utal kong salita habang sa aking mga mata’y may luhang dumadaloy.
Tinanggal ko ang pagkayakap ko kay kuya, sumandal nalang ako sa kanyang dibdib habang yakap parin niya ako hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan, niyaya ako ni kuya na pumunta kami sa lamay ni Nigel pero tumanggi ako at nagpaiwan sa kwarto. Buong araw akong tulala’t hinahanap hanap si Nigel sa aking tabi.
Tinext ako ni Ate Niah na limang araw lang ang burol, pero tatlong araw na akong nasa bahay lang, hindi lumalabas at hindi sapat ang kinakain. Samantalang si Kuya araw- araw pumupunta sa burol ni Nigel. Tumutulong doon at araw araw din niya akong niyayaya habang araw- araw akong tumatanggi.
Ikalimang araw na ng burol at bukas na ililibing si Nigel.
Kinagabihan, sumama ako kay kuya papunta doon pero pagkarating ko, hindi ako makapasok, nanlalambot ang tuhod ko.
Hanggang umaga ako doon at ng umagang iyon walang gaanong tao sa loob, tulog si kuya sa tabi ko, at tumayo ako.
Paglapit ko sa kinahihimlayan ni Nigel, yumuko ako at tumulo ang luha. Pabulong kong kianusap si Nigel, “Ikaw talaga, Bakit ka nang iiwan? Diba, masaya naman tayo palagi? Hindi naman tayo nag- aaway, at wala rin akong masamang ginawa sa iyo. Paano na kaming mga iniwan mo? Tutulungan mo parin ako sa assignment ko at protektahan mo ko sa masasamang tao”.
Umalis na ako at bumalik sa kinauupuan ko. Bandang eleven ng tanghali, inaasikaso na nila ang libing na gaganapin, habang ako nama’y nasa sasakyan lang.
Pagdating sa sementeryo, nandoon kami lahat kasama ang buong pamilya ni Nigel. Nasa harap ako, tahimik at tulala nakatitig sa mukha ni Nigel na nakahiga, pero hindi ko parin napigilang umiyak.
Pagtingin ko sa bandang kanan, malayu- layo mula sa aking kinatatayuan, isang nakaputing lalaki ang nakangiti sa akin. Tinitignan ko siya dahil alam kong si Nigel iyon, pinararating na kahit wala na siya, mananatili siyang gumagabay sa akin. Dahan dahang lumalayo ito habang nakatingin sa akin. Nang ito’y mawala, mahigpit kong niyakap agad si Kuya at umiyak ako ng umiyak.

